DINAKIP ng mga awtoridad ang isang Chinese doctor na umano’y nagpapatakbo ng maliit na ospital sa isang condominium sa barangay Tambo, Parañaque City.
Nagbebenta rin umano ang suspek na kinilala lamang bilang Dr. Lee, ng mga gamot na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Inaresto rin ng mga pulis ang assistant ng Chinese doctor.
Natagpuan sa loob ng condo unit ang isang hospital bed, mga gamot, at kagamitan na ginagamit sa mga kritikal na operasyon.
Mayroong dalawang pasyente nang dumating ang mga pulis, kaya inilipat ang mga ito sa lehitimong ospital.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa FDA Act of 2009 at Medical Act of 1959.
