HINILING ng Malakanyang kay Senador Imee Marcos na mag-imbita ng international legal experts sa imbestigasyon nito hinggil sa pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na mas mainam na makapag-imbita ang mambabatas ng international law experts para higit pa itong maliwanagan.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sa kanyang preliminary findings, binigyang diin ng presidential sister, na mayroong “glaring violations” sa naging pagdakip sa dating pangulo.
Binatikos din ni Senador Marcos ang hindi pagsipot ng cabinet officials sa ikalawang senate hearing, at pinalutang ang hinala na nagkaroon ng “cover up” sa operasyon laban kay Duterte.
Gayunman, sa pagpapatuloy ng senate hearing, bukas ay dadalo na ang mga opisyal ng pamahalaan, ayon kay Senate President Chiz Escudero.
