NABAWASAN ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho o kabuhayan noong Pebrero, ayon sa resulta ng latest labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, na bumaba ang unemployed persons, edad kinse pataas, sa 1.94 million sa ikalawang buwan ng taon.
Mas mababa ito ng 228,000 kumpara sa 2.16 million na jobless individuals noong Enero.
Inihayag ni Mapa na posibleng epekto ito ng seasonality patungong summer holidays.
May kinalaman din aniya ang election-related activities sa pagtaas ng employment.