INARESTO ng mga awtoridad si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves bunsod ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group si Teves sa barangay Taclobo sa Dumaguete City, kahapon ng umaga, sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Marlon Moneva ng Cebu City Regional Trial Court branch 74.
Agad namang nakalaya ang dating Gobernador matapos mag-piyansa ng 600,000 pesos para sa 3 counts ng kanyang violation.
Si Pryde Henry ay kapatid ni expelled Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
Una nang idineklara ng Anti-terrorism Council ang magkapatid na Teves bilang mga terorista bunsod ng kanilang pagkakaugnay sa murder cases sa kanilang lalawigan.