19 July 2025
Calbayog City
National

Susunod na DepEd Secretary, hindi dapat politiko, ayon sa grupo ng mga guro

INILATAG ng grupo ng mga guro ang nais nilang maging kwalipikasyon sa pagpili ng magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ang Education Secretary ay hindi dapat politiko, kundi isang educator na mas nauunawaan ang kalagayan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Binigyang diin ni TDC National Chairman Bejo Basas na ang susunod na pinuno ng DepEd ay dapat “established educator” at career individual na nanggaling sa kanilang hanay, at batid ang kanilang mga sentimyento at mga pinagdadaanan.

Idinagdag ni Basas na bagaman inaasahan na ang pagbibitiw ni Duterte ay ikinagulat pa rin nila ito dahil mahigit isang buwan na lamang ay magbubukas na muli ang mga klase sa July 29.

Mas mainam aniya kung nag-resign si Duterte, ilang linggo pagkatapos ng school opening.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *