27 February 2026
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer

WALANG ebidensya ang prosekusyon na direktang magdadawit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sinasabing pagpaslang na naganap noong ipinatutupad ang kaniyang war on drugs.

Ito ang nilalaman ng pahayag ni Atty. Nicolas Kaufman sa paglalahad niya ng merits sa ikatlong araw ng confirmation hearing ng Pre-Trial Chamber ng ICC. 

Ayon kay Kaufman, wala namang ipinakitang matibay na ebidensya ang prosekusyon na magpapatunay na may direktang partispasyon ang pangulo sa apatnapu’t siyam na killing incidents. 

Ani Kaufman, pawang press statements, hearsay at ang political hyperbole lamang ni dating Pangulong Duterte ang pinagbasehan ng prosekusyon. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.