INATASAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga ahensyang nasa ilalim ng pangangasiwa nito na tulungan ang lahat ng mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Crising at Habagat.
Sa inisyal na ulat, umabot sa 53 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Bagyong Crising at Habagat, sa mga rehiyon ng Western Visayas at MIMAROPA.
Samantala, mahigit dalawanlibong magsasaka na nagtatanim sa mahigit dalawanlibo apatnaraang ektarya ang naapektuhan ng masamang panahon.
Binigyang diin ni DA Undersecretary Roger Navarro na dapat kumilos sila ng mabilis, kung ipag-adya ng panahon, upang maibsan ang paghihirap ng mga magsasaka at mangingisda.