PINAG-aaralan pa ng gobyerno ang mga epekto ng Online Gambling sa bansa, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sinabi ng punong kalihim na wala pang inilalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na anumang direktiba hinggil sa Online Gambling, na nahaharap sa mga panawagan na ipagbawal na sa bansa bunsod ng epekto nito sa lipunan.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Idinagdag ni Bersamin na umiiral pa rin ang Ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na naka-base sa bansa pero ang mga parokyano ay mga gambler sa abroad.
Aniya, pinag-aaralan pa nila ang lahat ng tungkol sa Online Gaming na walang kinalaman sa Scams at Online Fraud.
Una nang inihayag ng malakanyang na tinitimbang pa ng pangulo ang posibleng epekto sa ekonomiya at lipunan ng pag-ban sa Online Gaming.
Epekto ng Online Gambling, tinitimbang pa ng pamahalaan, ayon kay ES Bersamin
