27 March 2025
Calbayog City
Province

Tulay sa Isabela, na-overstress bago bumagsak, ayon sa DPWH

NA-OVERSTRESS ang tulay na bumagsak sa Isabela noong nakaraang linggo dahil sa pagdaan ng convoy ng mabibigat na truck, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa mga sinage sa Cabagan-Sta. Maria bridge, ipinaalala sa mga motorista na light vehicles lang ang maaring dumaan sa tulay.

Gayunman, Feb. 27 nang sunod-sunod na dumaan ang tatlong truck na may kargang mga bato na 100 tons ang bigat sa tulay na idinisenyo lamang para sa 44 tons.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, batay sa kanilang preliminary asssessment, na-overstress ng 200 percent ang nag-collapse na segment.

Idinagdag ni Bonoan na sinisikap nilang makipag-ugnayan sa third party consulting services upang makatulong sa pagtukoy sa dahilan ng pagbagsak ng tulay, gayundin sa pag-i-inspeksyon sa mga materyales na ginamit sa istruktura.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).