Nagsumite si dating Senador Antonio Trillanes IV sa Independent Commission on Infrastructure o ICI ng kopya ng kaniyang plunder complaint laban kay Senator Bong Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang liham, sinabi ni Trillanes sa ICI na ang reklamong inihain niya sa Office of the Ombudsman ay may kaugnayan sa 6.9 billion pesos na halaga ng government infrastructure projects na nai-award sa CLTG Builders na pag-aari ng ama at kapatid ni Go.
Hiniling ni Trillanes sa ICI na ipatawag at imbestigahan ang senador gayundin ang kaniyang ama na si Deciderio Lim Go at kapatid na si Alfredo Go.
Dapat din ayon kay Trillanes na mabisita ng ICI ang mga sangkot na proyekto sa Davao para ma-beripika ang aktwal na implementasyon ng mga ito.




