12 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist, top 3 sa WR Numero Survey

Dalawang linggo bago ang halalan, namayagpag ang TRABAHO Partylist bilang top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila.

Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN.

Tinangkilik din ang TRABAHO maging sa Mindanao kung saan ito ay itinanghal na top 5 party-list.

Sa national cluster, umangat sa ika-13 pwesto ang TRABAHO mula sa ika-50 na dating pwesto.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).