MULING finallow ni Cristine Reyes ang boyfriend na si Marco Gumabao sa Instagram, sa gitna ng tsismis na hiwalay na sila.
Dalawang araw matapos i-unfollow si Marco, bumalik ang pangalan ng aktor sa Instagram following list ni Cristine.
ALSO READ:
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ate Gay, nakumpleto na ang kanyang Chemotherapy Sessions
Jonathan Bailey, itinanghal bilang Sexiest Man Alive for 2025 ng People’s Magazine
Gayunman, ang mga litrato na magkasama sila ay tinanggal ng aktres mula sa kanyang account.
Samantala, hindi pa pina-follow ulit ni Marco si Cristine pero ang mga litrato nila na magkasama ay makikita pa rin sa kanyang page.
Pinaghihinalaang break na ang magkasintahan matapos mapansin ng netizens na in-unfollow nila ang isa’t isa.
Kapwa naman hindi pa nagsasalita ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
