13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist sumakses paakyat sa March 2025 SWS survey

trabaho partylist

Lalo pang umangat ang 106 TRABAHO Partylist batay sa pinakahuling Stratbase-SWS National Survey para sa 2025 midterm elections.

Umakyat sa pwestong 22-23 na may 1.07% voter preference ang 106 TRABAHO Partylist ngayong Marso, mas mataas kumpara sa 0.96% noong Pebrero kung saan nasa ika-26 na pwesto ito.

Kapansin-pansing malaki ang iniangat ng 106 TRABAHO Partylist subalit ika-54 hanggang 55 lamang ang grupo noong Disyembre 2024.

Isinagawa ang survey noong March 15-20 sa 1,800 rehistradong botante mula Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Itinutulak ng 106 TRABAHO Partylist ang mga platapormang makikinabang ang mga manggagawa, gaya ng makatarungang sahod, dagdag-benepisyo, at proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).