KINASUHAN ng Office of the City Prosecutor sa Bacoor City ang aktor na si Archie Alemania kasunod ng inihaing reklamo ng actress-singer na si Rita Daniela noong October 2024.
Inirekomenda rin ng prosekusyon na parusahan si Alemania sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
ALSO READ:
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
Sa kanyang complaint-affidavit, inakusahan ni Daniela si Alemania na hinalikan at hinipuan siya nang walang pahintulot at paulit-ulit na nagbitaw ng malalaswang salita laban sa kanya.
Binigyang diin pa ng prosekusyon na ang ginawang pagtanggi ni Alemania sa alegasyon ay hindi sapat upang baliktarin ang findings sa kanya.
