4 December 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist nagbigay-pugay sa mga nanay, magbibigay ng medical allowance

Harapang binigyang-pugay ng TRABAHO Partylist ang mga nanay sa Taytay, Rizal.

Nais din nilang pagkalooban ang mga nanay sa buong Pilipinas ng karagdagang-benepisyo.

Ayan ang naging pahayag ni nominee Ninai Chavez na mapapanood sa video na inupload ng grupo kahapon sa kanilang opisyal na 106 Trabaho Party List Facebook page.

Ayon sa nominee, medical allowance ang prayoridad na ipagkakaloob sa mga nanay dahil pati ang kanilang mga anak ay makikinabang din sa benepisyong ito.

Hindi rin umano pababayaan ang mga solo parents na tumatayong parehong nanay at tatay sa kanilang mga anak. Sa pagwiwika nga ni Chavez, “trabaho ng dalawa, ginagampanan ng isa [solo parent]”.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).