13 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist inalala ang homily ni Pope Francis tungkol sa dignidad ng pagtatrabaho

NAGPAABOT ng pakikidalamhati ang TRABAHO Partylist sa lahat ng mga Katoliko kasunod ng pagpanaw ni Santo Papa Francisco o Lolo Kiko (para sa mga Pilipino) nitong Lunes.

“We mourn the passing of Pope Francis”, maikling isinulat ng grupo sa kanilang 106 TRABAHO Party List Facebook page.

Kalakip ng nasabing mensahe ay ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao.

Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng pagtatrabaho ay kabanalan.”

Ani ng TRABAHO, ang mga turo ng Santo Papa patungkol sa dignidad ng trabaho at importansiya ng katarungang panlipunan ay ang magsisilbing kanilang mga gabay.

Sa kasunod na mensahe ng tagapagsalita ng grupo na si Atty. Mitchell-David L. Espiritu, pumanaw man si Pope Francis ay mananatiling buhay ang kanyang mga nagawang trabaho na inilaan niya para sa mga mahihirap, marginalized, at mga manggagawa.

“We celebrate his life works dedicated to service for the poor, the marginalized, and the working class,” sabi ni Espiritu.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).