24 June 2025
Calbayog City
Local

Eastern Visayas, nakapagtala ng 6.2% na economic growth noong 2024

NAGPAKITA ng katatagan ang ekonomiya sa Eastern Visayas, sa pamamagitan ng 6.2 percent na paglago noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing sa Summit Hotel sa Tacloban City, sinabi ni PSA-Eastern Visayas Regional Chief Statistical Specialist Mae Almonte, na pangunahing iniugnay ang paglago sa positibong kontribusyon sa agriculture, forestry, and fishing sectors; industry sector; at services sector.

Bagaman mas mababa ng kaunti kumpara noong 2023, ito ang ika-apat na sunod na taon na napanatili ng rehiyon ang economic growth rate sa 6 percent, pataas.

Binigyang diin naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Eastern Visayas Regional Director Meylene Rosales, na ang 6.2 percent na paglago ng rehiyon ang ika-anim sa fastest-growing regional economy sa buong bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).