27 February 2025
Calbayog City
National

Trabaho Party-List: walang mintis ang pagtaas sa Stratbase-SWS survey

trabaho partylist

Lalo pang tumaas ng 10 pwesto ang Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS February 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations kahapon.

Mula sa pagiging rank 36 noong Enero ay naging rank 26 na ngayon ang Trabaho PartyList sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo 12.

Ang pagtaas na ito ay kasunod rin nang kamakailang pagtaas ng 19 na pwesto sa nakaraang nasyunal na survey kung saan ang mga lumahok ay tinanong ng “kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang PARTY-LIST?”

Kung kaya’t agad na naglabas ng mensahe ng pasasalamat ang grupo sa opisyal nitong 106 Trabaho Party-List Facebook page sa mga bumoto rito sa survey pati na rin sa mga sumusuporta sa mga repormang inaadhika nito.

“Patuloy po naming itataguyod ang kalidad at napapanatiling trabaho, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, maayos na kondisyon sa pagtatrabaho, at patas na oportunidad para sa lahat,” dagdag pa nito.

Ang pinakahuling SWS-Stratbase survey ay isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 sa pamamagitan ng personal at harapang pakikipagpanayam sa 1,800 rehistradong botante mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas- 300 sa Metro Manila, 900 sa iba pang mga bahagi ng Luzon, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).