PATULOY sa pagbasag ng records ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Again,” makaraang umabot sa 1.6 billion pesos ang kinita nito worldwide, sa loob ng tatlong buwan matapos itong ipalabas sa mga sinehan.
Ang achievement ng naturang pelikula ay inanunsyo ng production companies na Star Cinema at GMA Pictures sa pamamagitan ng kani-kanilang instagram pages, kalakip ang litrato nina Kathryn, Alden, at Film Director Cathy Garcia-Sampana.
Noong Disyembre ay sumampa sa mahigit 1.4 billion pesos ang gross ng “Hello, Love, again” na ang ibig sabihin ay nadagdagan ng 200 million pesos ang kinita ng pelikula sa loob ng mahigit dalawang buwan.
Ipinalabas ang reunion movie ng KathDen noong Nov. 13, 2024, at naitala ang biggest first-day ticket sales sa 85 million pesos.