NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 2.1 million na visitor arrivals sa unang apat na buwan ng taon.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), mas mababa ito ng 0.82 percent kumapara sa kaparehong panahon noong 2024.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Ang arrivals ay binubuo ng 1.93 million foreign travelers at 170,815 overseas Filipinos.
Sa nakalipas na apat na buwan ay nanatili ang South Korea bilang top source ng tourist arrivals na may 468,337 travelers o 22.25 percent na market share.
Gayunman, bumaba ang Korean traffic ng 18 percent sa unang apat na buwan ng 2025 kumpara noong Enero hanggang Abril ng nakaraang taon.