KINUMPISKA ng PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mahigit 120 million pesos na halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo mula sa isang warehouse sa San Simon, Pampanga.
Ayon sa PNP-HPG, nag-ugat ang operasyon mula sa routine traffic stop matapos sitahin ang isang truck dahil sa multiple traffic violations.
ALSO READ:
Nabigo ang driver na magprisinta ng lisensya, vehicle registration, at cargo manifest, dahilan para inspeksyunin ng mga awtoridad ang closed truck kung saan itinago ang mga iligal na sigarilyo.
Itinuro rin ng driver sa mga awtoridad ang isang warehouse kung saan ikinakarga ang mga kontrabando.




