BALIK-Pilipinas ang E-S-T Cola Assistant Coach na si Wilavan Apinyapong, na huling naglaro sa bansa para sa Southeast Asian Games, limang taon na ang nakalipas.
Nasa bansa si apinyapong para gabayan ang Under-20 Thailand National Team sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Inamin ng dating Thai National Team Captain na nag-retiro noong 2021, na hanga siya sa Pilipinas dahil sa suportang tinatanggap ng larong volleyball mula sa lahat.
Idinagdag ng Thai Coach na malaki na ang iniunlad ng lahat ng Filipino players, na inihalintulad niya sa mga manlalaro sa professional league sa Europe.
