IBINUNYAG ni American Singer-Actress Selena Gomez na hindi siya maaring magbuntis bunsod ng medical problems na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanya at sa sanggol.
Inamin ni Selena ang kanyang kondisyon na hindi maaring magdalang-tao sa interview ng “Vanity Fair,” kasabay ng paglalarawan na ipinagluksa niya ito nang kanyang malaman.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa kabila naman ng health struggles, sinabi ng “Who Says” singer na bukas siya sa ibang posibilidad upang maging isang ina.
Noong Mayo ay inihayag ng award-winning singer-actress na mayroon siyang plano na mag-ampon at maging single mom bago siya na-inlove sa kanyang kasalukuyang boyfriend na producer-songwriter na si Benny Blanco, na kamakailan lamang ay isiniwalat na ang pagkakaroon ng mga anak ang kanyang “next goal on the box.”
