GAGAWING moderno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang scholarship fund distribution sa libo-libong student beneficiaries sa Leyte, sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Land Bank of the Philippines (LBP).
Ayon kay TESDA Leyte Director Enrico Banario, ang hakbang ay paglilipat ng disbursement ng training support fund ng mga scholar sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) sa automated teller machines at e-wallet system mula sa manual checks.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Inihayag ni LBP East Visayas Branches Group Head Brendalyn Villavicencio na ang partnership sa Leyte Provincial ay magpapalawak sa financial access at magpapalakas sa economic empowerment.
Idinagdag ni Villavicencio na ang kanilang hakbang ay hindi lamang pagbubukas ng accounts kundi pagbubukas ng mga pintuan para sa mga oportunidad.
Para sa pilot implementation, makikinabang sa programa ang nasa 5,324 scholars mula sa mahigit 24,000 recipients sa Leyte sa ilalim ng UAQTEA.
