BINUKSAN ng Regional Inter-Agency Coordinating Council – Task Force San Juanico ang Dampigan Temporary Passenger Terminal sa Sta. Rita, Samar.
Ito ang nagsisilbing Drop-off at Pick-up Point para sa mga pasahero na patungong Tacloban na apektado ng San Juanico Bridge Access Limit.
Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Eastern Visayas Director Lord Byron Torrecarion na kabilang ang naturang terminal sa Key Interventions sa nararanasang krisis bunsod ng limitadong pagdaan sa mahalagang tulay na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar.
Ang paglalagay ng pansamantalang terminal sa isang barangay na apat na kilometro lamang ang layo mula sa San Juanico Bridge ay makatutulong upang mapaluwag ang highway na patungo sa tulay.