ITINURNOVER ng Office of Civil Defense (OCD) Eastern Visayas ang 25 units ng 500-watt solar lights sa Philippine Ports Authority (PPA).
Ito ay bilang supprta sa nalalapit na full operations ng Amandayehan Port sa Basey, Samar.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Layunin ng solar lights na tinanggap noong Lunes ng PPA Eastern Leyte/Samar Project Management Office, na mapagbuti ang visibility, safety, at tuloy-tuloy na operasyon sa port, lalo na sa gabi.
Inihayag ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na ang donasyon ay tugon sa ipinatutupad na Load Limit sa San Juanico Bridge, na nagresulta sa pagtaas ng Rerouted Cargo Traffic sa pamamagitan ng Amandayehan Port.
