Inilabas na ng Tecno Mobile ang pinakabago nilang smartphone na Spark 20 Pro. Ito ay may sukat na 168.6 x 76.6 x 8.4 mm (6.64 x 3.02 x 0.33 in) at 6.78-inch na FHD+ IPS LCD screen display.
Captured lahat ng masasayang moments dahil may 108MP triple camera at napakalaking 256GB na storage space ang smartphone na ito.
Ang Tecno Spark 20 Pro ay dual-SIM at may apat (4) na kulay: Moonlit Black, Frosty Ivory, Sunset Blush, at Magic Skin 2.0 Green at may listing price na mababa sa P8,000 lamang.
Ang smartphone na ito ay una nang ipinakilala ng kumpanya noong December 15, 2023 at mabibili na ngayon sa mga local stores at online platforms na LAZADA at SHOPEE.

Ilan sa mga Key Features ng Tecno Spark 20 Pro:
6.78” 120Hz Display | 108MP Camera | 8GB RAM | 256GB Storage | 5000 mAh Battery | 33W fast charging | IP53, dust and splash resistant