NAPANALUNAN ng United States ang ika-limang sunod na gold medal sa Men’s Basketball makaraang padapain ang France sa Finals sa score na 98-87, sa 2024 Paris Olympics.
Nakapagtala si Stephen Curry ng 24 points sa kanyang kauna-unahang olympic medal habang nag-ambag si Lebron James ng 14 points, 10 assists, 6 rebounds, at dalawang steals para sa kanyang third olympic medal at fourth medal overall dahil mayroon itong bronze mula sa Athens.
Pinangunahan naman ni Victor Wembanyama sa pamamagitan ng kanyang 26 points ang team France na nakasungkit ng silver medal.
Napanalunan ng Amerika ang gold medal sa limang edisyon ng Olympics simula noong 2008.