NAKARAMDAM ng nostalgia ang showbiz fans nang kumalat ang mga litrato at videos sa online ng pagkikita nina Janice de Belen at Aga Muhlach sa burol ng Regal Entertainment Founder na si Mother Lily Monteverde.
Kabilang sa mga nag-share ng litrato ng dalawa ay ang talent manager na si Popoy Caritativo, na nilagyan niya ng caption na “Aga and Janice. Suddenly, i’m 15 years old again.”
ALSO READ:
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Marami ring netizens ang natuwa nang makita ang ex-lovers na nag-uusap at nakikihalubilo sa kanilang showbiz colleagues sa burol ng namayapang founder ng Regal Entertainment.
Hindi naman nakakagulat na makita ang presensya ng dalawa sa burol ni Mother Lily dahil minsang naging biggest young talents sila ng Regal at loveteam noong 1980s.
