8 July 2024
Calbayog City
Local

Teachers’ Dignity Coalition nakukulangan pa sa inilunsad na Matatag Curriculum ng DEPED

NAKUKULANGAN ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Matatag Curriculum ng Department of Education (DEPED) na nagpapatupad ng pagbabago sa curriculum sa elementarya at high school.

Sa isang panayam sinabi ni Benjo Basas, Chairperson ng TDC, welcome naman sa kanilang grupo ang inilunsad na Matatag Curriculum lalo at layunin nitong maiayos ang congested na curriculum sa primary o sa mga estudyanteng nasa pre-school.

Ayon kay Basas, dapat ay gamitin na ito ng DEPED ang pagkakataong ito para mas pagbutihin pa ang maraming sistema sa edukasyon.

Naniniwala ang kanilang grupo, ayon kay Basas, na dapat muling isama sa curriculum ng high school ang philippine history para masentrohan ang kultura ng bansa.

Dapat ding matutukan ang basic skills gaya ng reading, writing at arithmitic sa kinder hanggang sa grade 3.

Sinabi ni Basas na may mga pag-aaral kung saan lumilitaw na may mga estudyante na umaabot ng grade 7 na hirap pa ring makabasa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *