2 December 2024
Calbayog City
Local

Mga giant parol sa Can-avid, Eastern Samar; pinailawan na!

LABING apat na naglalakihang parol ang pormal na pinailawan sa Great Park Plaza para sa 6th Annual Giant Lantern Festival ng Bayan ng Can-avid, Eastern Samar.

Hindi napigilan ng masamang panahon dulot ng Bagyong Kabayan ang mga bisita na nagmula pa sa iba’t ibang bayan para masaksihan ang pagpapailaw sa mga naglalakihang parol na kabilang sa kompetisyon na taunang inaabangan sa Can-avid tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Ayon kay Mayor Vilma Aseo Germino, labis nilang pinahahalagahan sa Can-avid ang tradisyong ito dahil nagsisilbi rin itong pang-engganyo sa mga turista na dumayo sa kanilang bayan.

Pinasalamatan din ng Alkalde sina Cong. Marcelino Libanan ng 4Ps Party-List sa pagbibigay ng first prize; Governor Ben Evardone para sa second prize, contractor na si Ginang Marie Villarino para sa third prize, at ang lokal na pamahalaan ng Can-avid para sa consolation prizes.

Ang mga entry na parol ay gawa sa used plastic bottles, mga bao ng niyog at iba’t ibang recycled materials na ginawan ng iba’t ibang disenyo.

Ang grand champion ay makatatanggap ng 200,000 pesos na cash; 150,000 pesos naman sa second place; 100,000 pesos sa third place; at tig-sampunlibong piso ang consolation prize.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *