NAPILITAN ang mga magsasaka sa Pavia, Iloilo na itapon o ipakain sa mga hayop ang nasa tatlong toneladang kamatis dahil sa oversupply.
Sobra-sobrang supply ang dahilan kung bakit bumagsak ang presyo ng kamatis, at nahihirapan ang mga magsasaka na kumita mula sa kanilang ani.
Ayon sa ilang magsasaka, nananatiling matumal ang kanilang benta sa kabila ng nasa apat hanggang walong piso na lamang ang presyo ng kada kilo ng kamatis.