27 April 2025
Calbayog City
Local

Tatlong miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Northern Samar

TATLONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa serye ng mga engkwentro sa Northern Samar nitong weekend, ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Sa statement, sinabi ng 8-ID na iniulat ng mga sibilyan na isang grupo ng armadong kalalakihan ang umano’y gumagawa ng extortion activities sa Barangay San Jose sa bayan ng Mapanas na nagresulta sa military operation.

Ayo sa militar, isa ang nasawi matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng 4th Scout Ranger Batallion at mga miyembro ng Regional Guerilla Unit ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Makalipas ang ilang minuto ay muling nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang kaparehong grupo ng mga rebelde, at isa pang bangkay ang narekober matapos ang bakbakan.

Nasundan ito ng isa pang sagupaan makalipas ang ilang oras at nagresulta rin sa pagkalagas ng isa pang miyembro ng NPA

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).