INATASAN ng Korte Suprema ang isang guro na magbayad ng danyos sa pamilya ng isang lalaking hindi sinasadyang napatay ng kaniyang estudyante.
Ayon sa Korte Suprema, ang mga guro ay maaaring mapanagot para sa pinsalang dulot ng mag-aaral na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa lalo na kung wala silang ginawang hakbang para mapigilan ang insidente.
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, pinagtibay ng first division ng Supreme Court (SC) ang pananagutan ng guro na si Gil Apolinario na punong-guro ng Brgy. Palale Elementary School sa Sta. Margarita, Samar, para sa pagbabayad ng danyos na bunga ng pagkamatay ni Francisco De Los Santos.
Inutusan ni Apolinario ang isang 15-anyos na estudyante na putulin ang puno ng saging malapit sa paaralan at katabi ng highway.
Sa pagbagsak ng pinutol na puno ay tinamaan si De Los Santos na noon ay sakay ng isang motorsiklo na nagbunsod sa kaniyang pagkamatay.
Inatasan ng SC si Apolinario na magbayad ng P355,000 bilang danyos at sa mga gastos sa paglilitis ng mga naulila ni De Los Santos.
Ayon sa Korte Suprema, ang mga guro at pinuno ng paaralan ay may pananagutan sa mga aksyon ng mga mag-aaral habang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
Kahit sa labas ng oras ng pag-aaral, ang mga tagapagturo ay dapat magsagawa ng angkop na pagsisikap kapag nag-uutos ng mga gawain sa mga mag-aaral.
