IBINASURA ng korte sa Calamba, Misamis Occidental ang kasong murder na isinampa laban sa tatlong indibidal kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon noong April 2024.
Pinawalang sala ng Calamba Regional Trial Court sina Jolito Mangompit, Reynante Saja Bongcawel, at Boboy Sagaray Bongcawel, dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan na sila nagkasala nang walang pag-aalinlangan.
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Debris ng rocket na-rekober ng coast guard sa baybayin ng Occidental Mindoro
Inatasan din ng korte ang jail warden ng Misamis Provincial Jail-Oroquieta City na palayain sina Reynante at Boboy Bongcawel mula sa kulungan.
Samantala, ipinag-utos din ng korte ang paglipat kay Mangompit sa Correctional and Rehabilitation Center sa Zamboanga kaugnay naman ng hiwalay na attempted murder at murder case na kinakaharap nito.
Si Jumalon ay nasawi sa pamamaril noong Nov. 2023 habang naka-live broadcast sa 94.7 Gold FM sa kanyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental.