TATLO katao ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nangyari ang sunog sa kahabaan ng Coral Street sa Barangay 58.
ALSO READ:
Lahat ng mga nasawi ay pawang mga residente habang tatlo sa mga nasugatan ay Fire Volunteers.
Nasa limampu’t apat na indibidwal o labing walong pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Anim na kabahayan ang natupok habang tinaya sa walong daanlibong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.




