Mahigit apatnapung items sa ilalim ng listahan ng basic necessities at prime commodities na mino-monitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang inaasahang tataas ang presyo sa mga darating na linggo.
Kinabibilangan ang mga ito ng instant noodles, sabon, bottled water, at iba pang basic items.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na magre-release sila ng bagong Suggested Retail Price (SRP) bulletin, posibleng sa susunod sa buwan, para masaklaw ang lahat ng basic necessities at prime commodities na na-review na ang price adjustments.
Gumagawa rin aniya ng ilang pagbabago ang ahensya sa timing ng pagre-release ng SRP bulletin.