25 April 2025
Calbayog City
Business

BIR, nakakumpiska ng illicit cigarettes na may P8.5-B na Tax Liability

KINUMPISKA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 11.51 milion packs ng iligal na sigarilyo sa malawakang raid sa Bulacan at Valenzuela City.

Tinaya ng BIR na aabot sa 8.54 billion pesos ang tax liability ng illicit cigarettes na nasamsam sa isang pabrika sa Bulacan at tatlong warehouses sa Valenzuela.

Ayon kay Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr., ito na ang pinakamalaking operasyon ng BIR laban sa illicit cigarettes para sa taong 2024.

Pinaniniwalaan na ang apat na establisimyento ay bahagi ng sindikato.

Kabilang din sa nasamsam ng BIR ang mga raw materials, cigarette-making machines, at cigarette packing machines.

Mayroon ding anim na Chinese Nationals na nasakote sa mga isinagawang pagsalakay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).