8 February 2025
Calbayog City
Overseas

Supreme Court sa Brazil, niyanig ng 2 pagsabog

Police guard the crime scene where a man died after an explosion in front of Brazil’s Supreme Federal Court in Brasilia, Brazil, on November 13, 2024. – One person was found dead near Brazil’s Supreme Court in Brasilia after two explosions prompted the evacuation of the building, officials said late Wednesday. (Photo by EVARISTO SA / AFP)

ISA ang patay kasunod ng dalawang pagsabog sa labas ng supreme court sa Brazil, dahilan para mag-evacuate ang mga empleyado sa gusali.

Nangyari ang mga pagsabog sa kabisera ng Brazil na Brasilia, kung saan matatagpuan ang Supreme Court, Parliament at Presidential Palace.

Ayon sa Deputy Governor ng Brasilia, isang lalaki ang nagtangkang pumasok sa korte subalit pinigilan ng mga guwardiya.

Pagkatapos ng magkasunod na pagsabog ay nadiskubre ng mga pulis ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang sasakyan, na hinihinalang suicide bomber.

Kinundena naman ni Solicitor General Jorge Messias ang naturang pag-atake, kasabay ng pagtiyak na maglulunsad sila ng malawakang pagsisiyasat upang matukoy ang motibo sa krimen.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).