ASAHAN ng mga commuter ang mas mataas na pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) pagsapit ng abril, matapos aprubahan ng Department of Transportation (DOTR) ang umento sa fare matrix ng railway system.
Ang taas-pasahe ay inanunsyo ng Light Rail Manila Corp. (LMRC) na private concessionaire ng LRT 1.
Ayon sa LRMC, ang revised fare matrix na inaprubahan ng rail regulatory unit ng DOTR ay ipatutupad simula sa april 2, 2025.
Ang kasalukuyang fare formula para sa LRT 1 na may 13 pesos and 29 centavos na boarding fee at 1 peso and 21 centavos na dagdag sa bawat kilometrong biyahe, ay magiging 16 pesos and 25 centavos at 1 peso and 47 centavos.
Batay sa inaprubahang fare matrix, ang maximum fare na 45 pesos para sa single journey end-to-trip ay tataas hanggang 55 pesos.