INANUNSYO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakumpleto ng Rotation and Resupply (RORE) Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nang walang anumang untoward incident.
Sinabi ng AFP na isinagawa ang RORE Mission sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG).
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinamantala rin ng militar ang pagkakataon upang bigyan ng pagkilala ang mga sundalong Pilipino, sa pagdiriwang ng araw ng kagitingan.
Inihayag ng AFP na kinikilala nila ang sigasig at dedikasyon ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre na patuloy na nagbabantay sa West Philippine Sea upang pagtibayin ang soberanya at karapatan ng bansa, pati na ang national interest.