Sinimulan na ang konstruksyon ng 57.43 million pesos na farm-to-market road sa Bobon, Northern Samar, na bahagi ng World Bank-funded na Philippine Rural Development Project (PRDP), kasunod ng groundbreaking nito noong nakaraang buwan.
Saklaw ng Magsaysay farm-to-market road sa bayan ng Bobon ang ilang barangay, na kinabibilangan ng Arellano, Salvacion, Balat, Balud, Magsaysay, at Somoroy.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang matatapos ang proyekto sa 2025, na pakikinabangan ng mahigit siyamnaraang pamilya o mahigit apatnalibong indibidwal.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng naturang farm-to-market road ay tataas ang kabuuang produksyon ng agricultural products, kung saan inaasahang lalago ang local economies ng 11.7 percent.