PINALAWIG ng Swedish Government ang Financing Grant para sa pag-aaral ng planong Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Freight Railway Project.
Ayon sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA), nilagdaan ng Sweden sa pamamagitan ng kanilang Development Finance Institution na Swedfund International at ng Department of Transportation ang Grant Agreement.
Popondohan ng Grant na nagkakahalaga ng 12 million swedish krona o nasa 76 million pesos ang FEasibility Study sa Signaling Systems at Operational Models para sa SCMB Railways.
Ang SCMB na 250-Kilometer Railway, ay mag-uugnay sa Port of Subic, Clark International Airport, Port of Manila, at Port of Batangas na magpa-facilitate ng tinatayang 80% ng Philippine Port Traffic.




