HUMIRIT ang kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng patas na imbestigasyon sa mga isyu at kontrobersiyang ibinabato sa kanya.
Sa pamamagitan ito ng pagsusumite ng liham sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para ipaliwanag ang kanyang panig, sa gitna ng mga akusasyon laban sa kanya.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Kabilang na rito ang umano’y pagkakasangkot ng suspendidong alkalde sa Baofu Land Development Inc., Espionage, Human Trafficking, Kidnapping, at Money Laundering.
Si Bersamin ang Chairman ng Presidential Anti-Organized Commission (PAOCC).
Binigyang diin ng kampo ni Guo na kaisa ang suspended mayor sa paghahanap ng katotohanan at pag-iral ng hustisya.
Una nang inihayag ng PAOCC na sasampahan nila si Guo ng “serious” at “non-bailable” charges, pati na ang iba pang mga sangkot sa bamban POGO Hub.
