HINDI pa kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isang Filipino seafarer ang nasawi sa pag-atake ng Houthi Rebels ng Yemen sa isang Bulk Cargo Carrier, sa Red Sea.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na hindi nila maaring kumpirmahin ang balita hangga’t hindi nila nakikita ang bangkay ng biktima.
Umaasa rin si De Vega na buhay pa ang nawawalang tripupante.
Una nang iniulat ng Agence France-Presse na isang Filipino sailor mula sa MV Tutor ang nasawi, ayon kay US National Security Council Spokesman John Kirby.
Noong Lunes ay nakauwi na sa Pilipinas ang dalawampu’t isang Filipino crewmen ng inatakeng barko.