8 February 2025
Calbayog City
National

Suspended Mayor Alice Guo, humirit ng patas na imbestigasyon sa mga kinakaharap na kontrobersiya

HUMIRIT ang kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng patas na imbestigasyon sa mga isyu at kontrobersiyang ibinabato sa kanya.

Sa pamamagitan ito ng pagsusumite ng liham sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para  ipaliwanag ang kanyang panig,  sa  gitna  ng mga akusasyon laban sa kanya.

Kabilang na rito ang umano’y pagkakasangkot ng suspendidong alkalde sa Baofu Land Development Inc., Espionage, Human Trafficking,  Kidnapping, at Money Laundering.

Si Bersamin ang Chairman ng Presidential Anti-Organized Commission (PAOCC).

Binigyang diin ng kampo ni Guo na kaisa ang suspended mayor sa paghahanap ng katotohanan at pag-iral ng hustisya.

Una nang inihayag ng PAOCC na  sasampahan nila  si Guo  ng “serious” at “non-bailable” charges, pati na ang  iba pang mga  sangkot  sa bamban POGO Hub.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *