HINDI na sumipot si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ika-apat na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay sa POGO operations.
Sa impormasyong ibinigay ng Legal Counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, maysakit at stressed si Guo kaya hindi muna makahaharap sa pagdinig ng komite.
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi nakadalo si Guo sa pagdinig ng Senado.
Samantala, sa pagsisimula ng pagdinig, agad iprinisinta ni Senador Risa Hontiveros ang ilang dokumento na nakuha nila sa National Bureau of Investigation.
Ito ay may kinalaman sa dokumento rin ng isa pang Alice Leal Guo sa database ng NBI na kapareho rin ng birthday ng suspendidong alkalde na July 12, 1986, subalit magkaiba ang mukha.
Naghihinala si Hontiveros na posibleng isyu ito ng stolen identity, makaraang una nilang natukoy na ang tunay na pagkakakilanlan ng alkalde ay si Guo Hua Ping mula sa Special Investment Resident Visa (SIRV) application ni Lin Wen Yie.
