INANUNSYO ng COMELEC na obligado nang magpareshistro ang lahat ng survey firms sa poll body tuwing eleksyon.
Kasunod ito ng pag-apruba ng en banc sa COMELEC Resolution No. 11117, kung saan nakasaad na sinumang personalidad, natural o juridical, kandidato o organisasyon, na nagsasagawa ng election survey, ay kailangang magrehistro sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng komisyon.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi pa ng poll body na pre-registered entities lamang ang awtorisadong magsagawa at ipabatid sa publiko ang election surveys.
Gayunman, ang mga kumpanya na nakapag-survey na bago inilabas ang naturang resolusyon, ay mayroong labinlimang araw para mag-register sa COMELEC.
