ISANG sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Nagbac, sa bayan ng Jiabong, sa Samar.
Nagsasagawa ang mga sundalo mula sa Alpha Company ng 46th Infantry Batallion ng Community Support Program sa Barangay Nagbac nang mangyari ang insidente, kahapon.
Tinaya sa limang kalalakihan ang mga suspek na pinamumunuan ng isang Jonathan Balimbingan alyas “Tikyaw,” at pinaniniwalaang mga miyembro ng Yakal Platoon ng SRC Browser ng CPP-NPA.