LUMOBO sa 12.715 billion pesos ang ibinigay na subsidiya ng pamahalaan sa Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCS) noong Pebrero.
Ayon sa Bureau of Treasury, mas mataas ito ng 35.5 percent kumpara sa 9.401 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Pinakamataas ang subsibiya na tinanggap ng National Irrigation Administration noong pebrero na nasa 7.093 billion pesos, na kumakatawan sa 55.8 percent ng total subsidies.
Sumunod ang National Food Authority na tumanggap ng 2.25 billion pesos at Social Housing Finance Corp. na pinagkalooban ng 667 million pesos noong ikalawang buwan ng 2024.